Friday, June 10, 2005

Isang Tula

Pahin(g)a
First draft


“You cannot go into the womb to form the child; it is there and makes itself and comes forth whole – and there it is and you have made it and have felt it, but it has come itself.”

- Gertrude Stein


Narito na naman ang pahina

Dinatnan ko siyang
Walang guhit
At wala pang marka

Nakikiusap
Nangungumusta

Paano nga ba muling magsisimula?

Kanina, ang dami kong napunit
Na mga salita

“Bahala na,”
Ang mga binitiwang kataga
Sa mga bagay na hindi ko pa alam

Humuhuni ang paligid
Umiikot ang aking pag-iisip

Makikipara muna
Makikibaba

Mula
Sa sinasakyang bangka
At maglalakad sa lupa

Tungo sa gubat
At mga puno
Papalayo sa mundo

Magsisiga
At maglalatag ng higaan
Na tila isang tulisan

Titingala at mapapatingin

Sa gabi
Sa mga namumuong tala

Sa dilim,
Makikinig
Sa mga tinig na nagigising

2 comments:

Anonymous said...

galing galing galing! *palakpakpakpakpakpak*
;)

Jojo Ballo said...

mutual admiration society???

hey, enjoy your long weekend :)