"Bayan ko, nahan ka, ako ngayoy' nag-iisa..."
- Asin
Hindi ko piniling maging Pilipino. Pero hinding hindi ko ata kayang ipagpapalit ito. Kahit pa man meron na tayong global na pag-iisip at diwa. Iba pa rin ang hatak ng inang bayan. Kaya't nakakalungkot ang mga dinaranas natin ngayon.
Sana matuto na tayo. Sana.
Ngunit paano nga ba ima-manage ang pagbabago? At paano tayo magpaplano kung ang mga pangyayaring nagaganap sa ating bansa ngayon ay di-tiyak? Uncertain. Unpredictable. Chaotic. Complex.
Ang Pilipinas ay sistemang binubuo ng maraming sistema. Kung babalik tayo sa Chaos theory (in particular, yung "Butterfly Effect") at kung ihahalintulad natin ang sitwasyon ng Pilipinas sa ating panahon (weather), mapapansin na kahit pa malaman natin ang lahat tungkol dito, hindi pa rin natin mape-predict ang behavior nito. "The weather makes itself up as it goes along."
Ang kasalukuyang sitwasyon sa pulitika, ekonomiya, liderato, kultura at lipunan ay hindi kasalanan ng sinumang tao. Totoo, maraming katarantaduhang ginawa ang liderato natin, at maraming katiwaliang nagaganap sa lahat ng lebel sa pamunuan ng gobyerno. Marami tayong kailangang ayusin sa ating pananaw, attitude at ugali. May kanser ang lipunan, ika nga ni Rizal.
Nandun na tayo.
Pero sa pananaw ko, kulang at masyadong simple ang argyumentong ito. Tingin ko, hindi lang ang Pilipinas ang nahaharap sa ganitong ka-komplikado at kahirap na pagbabago. Sa larangan ng mga korporasyon at kalakalan, mayroon nang tinatawag na Change Management na field of study. Ganoon kalaganap ang pagbabago sa ating mundo. Sa lahat ng antas, mula indibidwal hanggang lipunan hanggang daigdig.
Sa aking palagay, hindi sapat na tumingin lamang tayo sa ating kasaysayan para sa mga solusyon, o kaya'y manghiram ng sistema ng gobyerno sa ibang bansa (although maganda ang argyumento para dito). Dahil sa complexity ng ating sitwasyon, kailangan din nating hanapin ang "emergent" solution sa ating mga problema.
At marahil ang solusyong ito ay isang bagay na hindi pa naiisip ninuman.
Naniniwala ako sa kapasidad nating makapag organisa ng maayos, sa kakayahan nating maging self-organizing system.
Marahil ang problema natin ay hindi lamang politikal, kundi existential at spiritual. Nasaan na nga ba ang kaluluwa ng Pilipino? Nasaan ang kanyang kahulugan, ang kanyang meaning, ang kanyang purpose?
Sa ika-21 siglo, kailangang harapin ng bawat Pilipino ang mga ganitong tanong. Sapagkat ang bawat isa ay hindi na makukuntentong magpaalipin sa vision ng iba. Ang bawat isang mamamayan ay mayroong kapasidad na maging self-actualizing, at nanaisin niyang tahakin ang kabuuan ng kanyang potensyal, ang kabuuan ng kanyang pagkatao.
Umaasa akong ang lahat ng bagay ay may kasagutan, at may kadahilanan.
Friday, July 15, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment